Photobucket - Video and Image Hosting

Not the Prinz

Love, Faith, Friendship, Lust, Hatred, Sucess, Failure, Party, Cuties, Hotties, Fashion, Music, Craze...what lies beneath the city of Cabanatuan, the proivince of Nueva Ecija, and other raves of experiences where urge conquers.

Tuesday, September 05, 2006

Charge to Experience*Charge to Experience*Charge to Experience*Charge to Experience*

SI LOUIE

Naglalakad ako pauwi mga 9pm ng gabi galing ako ng Megacenter Wala kasi akong barya sa bulsa, 500 peso bill yung pera ko nakakhiya naman yun pambayad ko sa tricycle kaya tyagain ko na lang sa lakad ang nasabi ko sa sarili ko. Mga ilang kanto na lang mararating ko na ang bahay namin. Pero lumalakas ang ulan, tinutulinan kong pilit ang aking paglalakad, pero talagang medyo malalaki na ang patak ng ulan. Tumigil ako sa isang lumang building. Madilim, nakakatakot. Pero kesa naman mabasa ako okay na rin. Pero ang totoong reason nun ayokong maputikan ang puti kong sapatos.

May isang binatilyong nakatayo sa kabilang dulo ng building. Di ko gaano maaninaw. Sa wari ko ang lalaki ay isang teenager, matanda ako kung di ako nagkakamali ng apat o limang taon base sa built ng pangangatawan at bukas ng mukha. Di nagtagal lalo pang bumuhos ang ulan. Nakakatakot uso pa naman ang holdapan. Sabagay wala naman akong malaking perang dala, ang kinakatakot ko lang ay ang cellphone ko at mga mga id’s, atms at credit cards sa wallet ko sakaling maholdap ako. Sa kaba ko ay di ko napansin may dalawang lalaki na papalapit sakin. Malinaw na description ng kinakatakot ko. Parang gusto akong pagtripan. Noon ko naalala na tipong mejo may anghang ang pananamit ko nung oras na yun. Mejo tattered na jeans at sandong white, baseball cap at rubber shoes na white.

“Tol kursunada kong mang-upak”, sabi ng isang lalaki na cguro ay nasa 24 ang edad… “Eh di upakan mo na!” sagot naman ng kasama nyang lalaki na siguro ay ganun din ang edad. Nung aktong susuntukin ako tumakbo ako sa lakas ng ulan, at ng malapit ko nang marating ang kabilang dulo ng building, madilim pero parang ako si flash sa tulin ng takbo ko… malapit na ako sa dulo ng building ng may humablot sakin. “Wag kang maingay!” sabi nya sakin nasa kabilang bahagi kami ng building, “Dali dito” ang sabi nya sakin, sya yung binatilyo na nakita kong nakatayo kanina. Tinulungan nya ako sa dalawang humahabol sakin. “cge dali alis na!” saktong may tricycle na paraan sabay para ko at halos ibalibag ko ang katawan ko sa loob “Del pilar manong pakibilisan!” ang sigaw ko. Sa takot nakalimutan ko na magpasalamt at matanaong man lang ang name ng taong nagligtas sakin. Nakonsencya ako, pano kung baka siya ang balikan nung dalawang gago na kumursunada sakin. Pero wala akong magawa, ayoko naman bumalik dahil sa takot. Pinagdasal ko na lang na sana ay okay siya at hiniling ko kay God na sana makita ko ulit cya at makapagpasalamat.

Lumipas ang mga araw di ko na sya nakita, sa tuwing daraan ako building ng nakasakay sa tricycle sumisilip ako sa lugar kung san nya ako hinablot para maitago sa dalawang humahabaol sakin. Bumilang ng buwan wala pa din.

Isang araw nagkayayaan ang barkada na magpunta sa fiesta ng Daan Sarile, taga dun kasi si Mamu, isang close na kaibigan. Masaya ang lahat, nagkakasarapan ng kwento dahil na rin cguro sa alak na iniinom namin. Nagpaalam ako sa grupo para sagutin ang kanina pa ring ng ring kong phone. Pumunta ako sa malapit sa harap ng bahay. Mejo matagal din ang pakikipag usap ko sa phone. Pabalik na ako sa tagayan, ng mapansin ko na may bagong dating. Isang pamilyar na mukha, pero di ko maalala kung bakit pamilyar. Kaibigan siya ni Mamu, isang malapit na kaibigan ni Mamu. Na minsan nga ang description ni Kuya Melvin ay sa sobrang lapit nilang magkaibigan eh nagkandaduling siya at dumugo ang ilong nya sa pagiisip ng tamang term para sa kanila pero pabiro nyang sinabi na kinapos daw ang utak nya at wala cyang naisip na tamang term. Dun ay huminto na ako sa pagtatanong. Ayokong makasagi ng ano mang pagkailang nila.

Ngumiti ang binatilyo sakin. Napangiti din ako. Napagmasdan ko ang kanyang tindig mejo balingkinitan, mejo mahaba ang buhok na animoy si Hero Angeles, mejo tsinito ang mga mata na parang laging nangungusap. Di cya ganun katangkad pero ayos naman na sa knyang edad. Mapupula ang mga labi na binagayan ng pantay pantay na mapupupting ngipin, may katamtamang ilong, ndi ganun katangos pero bagay sa bukas ng mukha niya. May kung anong appeal cya tuwing ngingiti na animoy isang baby na inosente.

Aba at babatukan ko na tong tukmol na to, bakit kaya ngiti ng ngiti sakin. Tayo ako para jumingle, pagharap ko, nandun cya nakangiti na naman, parang nakakaloko. Tinanong ko cya kung bakit, sabi nya di ko daw pala natatandaan. Tinanong ko siya kung kilala nya ako. Noon sinabi nya na cya yung lalaki na tumulong sakin. Tanggal ang pagkalasing ko, na ito palang taong to na muntik ko ng matapok eh yun pala ang hero ko para tuloy nangliit ako. Sa sobrang saya o tuwa ko na may halong pagkapahiya, nakipagkamay ako ng mejo nauutal pa ng sabihin ko ang simpleng word na “salamat”. Ngumiti cya at sinabing wala yun kuya Miko. Aba at kilala na ako, tinanong tanong na nya pala kanina kung ano name ko.

Sa madaling salita naging kaibigan ko na siya. Pag nagkikita nagbabatian kami. Parang turing ko na talaga sa kanya batang kapatid. Although hindi kami ganun ka close I see to it na pag nagkita kami eh mapapayuhan ko cya sa mga problemang puso nya. Kahit man lang don makaganti ako sa pagligtas nya sakin.

Dumaan ang weeks, months, naging busy lahat. Halos madalang na magkita hanggang sa wala na, tuluyan ng hindi kami nagkita. Nakikita ko lang naman cya pag kasama siya ng ibang barkada, pero lately din kasi ndi ko nakikita ang barkada.

Isang gabi, nasa harap ako ng bahay namin, may humintong motorsiklo, si Mamu at may kasama kala ko si Kuya Warren pero iba si Benson daw. Yun bagong kakilala. Niyaya niya ako kila Kuya Warren at Kuya Drew nandun daw sila Kuya Melvin, sabagay matagal ko na sila di nakikita sumama ako.

So yun na nagka-kumustahan pagdating sa bahay. Familiar faces, miss ang isat isa. Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan, may dalawang chicks, dude ang sexy nila. Si Margaret at Kim. Naagaw ni Margaret ang attention ko, wow, as in Wow, basta sexy cya. Crush ko na kagad. Pacute ako, pa dimple, pasulyap sulyap, nag biglang may tumapik sa balikat ko. “Ita ba ! Ito Ba! Sya Ba!!” na animong susuntukin ako, syempre parang nailang ako di ko kasi masure kung biro o seryoso… nung ngumiti cya sinabi nya “ Kuya Miko di na ako natatandaan, Louie!” Sabay turo sa sarili, shit dude si Superman nga pala. Astig si tukmol kasi iba na ang buhok kaya di ko nakilala, parang semicalbo na bagay lang sa kanyang mukha. “Kuya Miko namiss Kita”, sabi nya “Ako din cyempre bunso” ang sabi ko. Ngagigitara cya at kumakanta jamming jamming kami.

Maya maya di ko napansin na pumasok cya sa loob, may moment. Di ko alam kung bakit. Nun pala, aalis na cya kinabukasan, pupunta na ng Baler at dun na mag stay kasama ng parents nya. Lungkot ako lalo na mugto mata nya umiyak si mokong. Yung astig na nagligtas sakin umiiyak din pala. Naantig naman ako sa kanya, kasi parang bata siya na inagawan ng kendi, yung tipong inosenteng inosente.

Kinabukasan nagkita ulit kami sa bahay nila Kuya Drew, mejo malungkot si Louie nung nakita ko. “Kuya Miko alis na ako mamayang madaling araw” sambit nya. Sinabihan ko na lang sya na mag ingat. Saka sinabi ko din na hanggat maaari tapusin niya ang kanyang pag aaral. “Alagaan mo siya!” ang sabi nya. Napaisip ako, ano kaya yun? Sino kaya yung pinapaalagaan nya sakin.

Nung nakaalis na siya, umaga ng magising kami, dun na kasi ako nakitulog. Sinabi ni kuya Melvin kung bakit umiiyak si Louie, ang dahilan pala ay si Margaret. Gimbal ako sa natuklasan ko. Eh di bat kagabi sinabi ko pa lang kay Louie na type na type ko si Margaret. Kaya pala sinabi nya sakin na “alagaan mo siya” yun pala ang ibig nyang sabihin.

Naguilty ako. Parang ang manhid ko pala. Ang taong nagligtas sakin, ay naapakan at nasaktan ko. Pero dahil sa kabutihang loob nya, hinayaan nya lang ako kahit noong maga sandaling magkayakap at naglalambingan kami ni Margaret ay nasasaktan pala sya. Noon ko naisip na napakabuti nya pala talagang kaibigan.

Dati ipinagdasal ko kay God na makita ko siya para makapagpasalamat. Pero now magdarasal ako kay God na makita ko siya para mag sorry. Dahil sa halip na inalagaan ko sya na bilang isang kuya nya ay nasagasaan ko pa ang kanyang murang damdamin. Alam kong mahirap yun, kasi napagdaanan ko yun. At sobrang sakit nun. Kaya sana magkita kami bago ako umalis… ilang taon din ang magdaraan bago kami magkita. Ayoko naman umalis ng bansa na may dinadalang isang bagay na hindi magpapatahimik sakin.

Gusto ko syang yakapin, at manghingi ng sorry. Napaisip ako, ang pagiging selfish ko yata minsan ng hindi ko napapansin ay nagiging dahilan ng pagkabigo ng ibang tao. Kasi kung tutuusin madami namang ibang babae sa paligid na pwede kong mahalin, wag lang si Margaret. Kung alam ko lang sana…Louie tol, alam mong superman ka ng buhay ko… malaki utang na loob ko sau, dami ko pagkukulang, sana maka move on ka at maging masaya ka… para makamove on na din ako dahil sa totoo lang guilting guilty ako… nga pala Louie nandito sakin yung tshirt na sinabi kong ibibigay ko sau pag nagkita na alng ulet tau friend…alam kong maliit ang chance na mabasa mo ang article na to pero sana lang mabasa mo ako pa rin ang dating Kuya Miko mo, makulit, maingay! Tol hanggang sa muli…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home