Inspiration * Inspiration * Inspiration * Inspiration *
SI KUYA MELVIN
Masayahin at walang dull moments pag kasama mo siya. Madalas kong maalala yung eksena na nasa park kami at ginagaya nya si Angelica Panganiban sa pelikulang Santa Santita na lumuluhod sa grotto, yung malapit sa stage. Sus! Talagang kakabagan ako sa kakatawa. Lalo na pag nag Hawaiian Dance pa siya sabay emote ng kanyang masayahing mukha. Hayyy kumpleto hagikgik at halakhak talaga aabutin mo!
Si kuya Melvin ay may balingkinitang pangangatawan. Laging naka-smile. Skinhead ang buhok kadalasan. Never nyang hahayaan na malungkot ka. Nandyan siya pag kailangan mo ng advice. Tulong, matutulugan, mapag-totomaan, mapag iinternetan (sa office nya). Hay naku sabi ko nga para syang foundation, isang charity na bukas sa lahat ng gustong magpakupkop. Mapasino ka man at ano ka pa man ay may magandang ngiting sasalubong sayo basta tawagin mo lang siya.
Hanggang sa lumalim ang aming pagkakaibigan. Limang taon ang mabilis na lumipas. Makulay at masaya. Nagkaroon ng tampuhan, di pagkakaintindihan pero naayos din ang lahat. Hindi ko alam kung bakit napakalapit nya sakin kahit ilan sa mga kaibigan nya alam kong ayaw nila sakin.
Pero sa kabila ng lahat ng pagpapasaya nya at pagtulong sa kapwa, may mabigat pala siyang dinadala. Lumaki siya sa poder ng kanyang Lola, sapagkat ang kanyang ama ay nawalay sa kanya ng matagal na panahon at nagkaroon ng ibang pamilya. Ang kanyang ina ay matagal ng wala. Alam ko kahit madalas na hindi naming napaguusapan ang pamilya alam kong gusto nya talagang magkaroon ng pamilya, kahit alam kong mahal na mahal nya ang kanyang lola at mga tita at pinsan alam kong may kulang pa din sa kanya. Sa bawat kislap ng mga mata nya, kabisado ko kung masaya siya, at sa bawat paglamlam ng kanyang mga mata alam kong malungkot siya.
Dumating ang maraming pagsubok sa buhay nya. Nanjan na ang identity crises, heartaches, pag aalipusta ng ilang taong sarado ang pag iisip. ‘Di lang din siya isang beses inagawan ng kasiyahan ng mga kaibigang itinuring niyang parang kapatid. Pero sa kabila ng lahat nanatili pa din nakatayo ang kanyang mga paa para lumaban at harapin ang mga pagsubok. Magparaya, magmahal at tanggapin ang will ni God.
Hanggang sa dumating ang isang napakabigat na pagsubok sa kanyang buhay. Nagkaroon ng malubhang karamdaman ang kanyang ama. Dali-dali cyang lumuwas ng Maynila mula Cabanatuan. Kahit wala ako doon, alam kong sa mga sandaling yaon ay niyakap nya ang kanyang ama at sinabi na mahal na mahal nya ito sa kabila ng pagkukulang nito sa kanya. Ganyan si Melvin, di nagtatanim ng galit.. ng poot.. bagkus pilit niyang pinagaan ang loob at dalahin ng anumang pangamba ng kanyang ama. Hanggang isang araw, kinuha na ang kanyang ama ng Lumikha. Malungkot ang lahat. Isang napakalaking pagsubok sa buhay nya. Ang isang pamilyang inasam niya ay hindi na kailanman mabubuo.
Pero sa halip na sumuko sa pagkabigo, pinagpatuloy pa rin nya ang buhay. Naalala ko noon, nag open up siya sakin at sabay kaming nag pray. Kinausap namin si Lord. Bakas sa kanya ang sinseridad , ang patotoo na tapat nyang sinasabi ang ano mang sinasaad ng kanyang puso at isipan. Tandang tanda ko pa noon kung paano nya kinausap ang lumikha. “ Kumusta na po ba Lord, matagal-tagal na rin tayong di nagkausap, pero God alam nyo pong sa kabila ng lahat ay kinikilala ko pa rin kayo bilang aking Diyos. Na sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaraanan ko ay nandyan pa rin kayo para sakin at di ako pinababayaan. Alam kong di lihim sa inyo ang aking pagkatao, sinisikap ko pong maging isang mabuting halimbawa at kaibigan sa lahat at hinihiling ko po ang inyong pangunawa at patnubay… Sana Panginoon ay sumaya ang aking mga mahal sa buhay, kaibigan at lahat ng taong dumaraan sa matinding pagsubok…” Ito ang ilan sa mga katagang binigkas niya ng may katapatan. Ramdam ko ang kanyang pagiging totoo.
Lihim akong nananalangin para kay Kuya Melvin. Ang isang taong laging nariyan para sakin. Isang taong handang hawakan ang kamay mo kapag kinakabahan ka at may takot sa iyong puso. Isang taong handang mag offer ng sariling pagpapakasakit para sa kapwa. Napakaswerte ko at nakilala ko ang isang tunay na kaibigan tulad niya. Ikaw may isang Melvin ba sa buhay mo? Kung wala hinihikayat kitang maging isang Melvin sa iyong sariling buhay, puno ng pag-asa at pagpapakumbaba at higit sa lahat isang taong nagmamahal ng tapat at may takot sa Diyos. Hanggang sa muli Kuya Melvin…