Photobucket - Video and Image Hosting

Not the Prinz

Love, Faith, Friendship, Lust, Hatred, Sucess, Failure, Party, Cuties, Hotties, Fashion, Music, Craze...what lies beneath the city of Cabanatuan, the proivince of Nueva Ecija, and other raves of experiences where urge conquers.

Monday, March 27, 2006

SIDESTRIP, PIER NOVO & RETRO ALL IN ONE NIGHT PART 1 !!!

PROLOGUE:

Yun nga nagwagi ang aking mommy na d2 na lang ako magstay sa cabanatuan, at least kahit papano nagustuhan ko naman so forget about the happening of the past na ang memory ko now. Erase. Erase. Erase. Ask kung masaya ako.. di ko pa sure.. pero at least kahit papano nalilibang ako... here is another entry about the real world...

********************

UNANG ATAK!!! Yes you are reading it right folks, mga laway ng mga pusa, at mga kaberks dahil first entry ko ito ever tunkol sa tunay na pangyayari sa mga gimikan d2 sa aking city. Makulay,masaya at kumukuti kutitap na istorya. Sa mga grammar police, if ever magkamali man ako sa subject and predicate, at sa subject and verb agreement nevermind nyo na lang kasi I never created this blog, oh my precious personal blog just to display my mental capabilities and eloquency(ano daw! SOSYALAN!)…

Well the plan happens last Thursday night, and nagkayayaan gumimik on Friday night… saan aba dito sa Cabanatuan City. Actually well civilized na ang city na ito, ang syudad na kinalakhan ko, ang mga utaw ay talagang pag sumapit ang byernes ay di mapakali sa pag iisip kung ano ang susuotin just to brag it on the evening sa mga gimikan.

Okay ang eksena ay sa bahay ng friend ko which is actually kapitbahay ko siya mag mimit ang liga ng mga PLU (people like us)… well kung ano yun heheh habang binabasa mo ang blog na ito saka mo malalaman. Okay ang friend na tinutukoy ko ay si Jerome, balingkinitan, around 5’9 ang height, nursing student, early 20’s, may konting hawig kay Joko Diaz.. Pero before kami mag meet cyempre excited ako, aba at walang nagpaparamdam, alam ba nila na nagmamadali akong umuwi pagkatapos ng work ko.. well isa akong yuppies (daw!), heheh I work as an IT staff ditto sa city, I am 5’5, med built, fair, layered na spiky ang buhok, early 20s, marami nagsasabi in some angle eh kahawig ko daw si Hero Angeles, yung tipong inosente tingnan na may pagkapilyo ang dating, utang na loob post ko to kaya walang kokontra, well in all fairness in reality naman nga almost lahat ng friend circle ko eh ganun ang sinasabi..

Eto na aba at mag 8pm na at yun ang meeting time eh walang nagpaparamdam, kaya naman nangatiu ang mga daliri ko to text Jerome “Dude san na ba kayo? Jan ka na ba sa inyo?” aba hindi nagrereply ang mokong kaya mega tawag ako kay Aaron, okay si Aaron ay isa rin naming friend, 5’6, slim, maputi at early 20’s din at may looks din naman “Ey dude san na ba kayo” ang dialogue ko, sabay sagot naman na “Kila jerome 8 pm, punta na me”.. fine.. intay ako sa labas, sa lakad na ito make ur own get ups yung tipong papansinin ka…sa dami ng tao dun ayaw ko naman magmukhang basahan hehehe, eh ang dami pa naming cute kaya pag Friday. Sa Sidestrip ang aming unang destination… ala-malate yun, sa may remedios, drinking drinking, coffee coffee, saka may mga live bands din….Aba at yaan na dumating na ang mokong with matching super arrive na outfit ang Aaron hehehe… tapos nagdatingan na lahat ang buong tropa 7 kami na umatak sa sidestrip…

Aba parang red carpet ito, mega tinginan ang maga utaw hehehe, ang daming cute, hehehe alam nyo naman ang mga mata ko parang spycam kug maka preview sa mga tao heheh alam ko na kagad ang mga, str8, pamin, effem, discreet at kung ano ano pa….

Sa madaling salita go kami sa Calibu, aba at nandun pala ang isa naming friend na si Chris, well si Chris ay minsan nang nakatrampuhan ni Aaron dahil sa isang friend din namin na both pala nilang feel, pero nagkaayos din, Si Chris ay every weekend lang sa cabanatuan dahil nag wowork sa manila, may kasama cyang cutie na taga manila hehehe cute cute nya likey likey hehehe. Pero cyempre ang kay Piolo ay kay Piolo at hindi dapat kunin ni Rustom sa anomang paraan hehehe…
Nagyaya silang uminom, so order kami ng Sanmig Lights, mega kwentuhan muna hanggang maya maya ay mayroon akong naririnig na comfrontation, para iton Sharon-Juday eksena… dating magkapatid sa grupo na ngayon ay mega talakan na sa pag aaway… Pero di na lang namin pinansin at tuloy lang sa pagsasaya.

After 48 years ay nakaramdam ako ng call of nature, kailangan kong pumunta ng restroom para umihi, pero bago ako nakarating dun, emote ako dahil parang 100 kilometers ang layo ng comfort room na in reality naman eh mga 100 meters lang, kasi napakadaming tao na nagtitinginan, oh sa palagay ko lang yun dahil sa epekto ng nainom, heheh may na sight akong cute, hip hop cya pero masarap tingnan, well actually ndi yun yung unang kita ko sa kanya mga almost 5 times na nga eh kaso never naman ako mag approach noh takot kasi me sa rejection!!!
Well yun konting ngiti na para naglalakad sa red carpet ganun naman eh the more na mukha kang desirable at lalaking lalaki the more marami kang maggrab na attention na belong to the crowd… hehehe.. at last narating ko ang restroom, after that wash ako ng hands, nakita ko sa likod ko yung image ng isang nilalang, sounds family??? Yeah cya yung cute na nakita ko kanina si MR. Hiphop, taz yun smile cya sakin ganun din ako sabay sabi “Hii I am Denver”, sabi nya, “I am Miko”, sabi ko naman yun we exchange numbers… gusto pa sana namin mag usapa kaso lang naramdaman ko na na hinahanp na ako ng mga friends ko, at tumpak nga kanina pa nila ako hinahanap… so nag wave ako ng bye “text you later” ang sabi nya, mejo kinilig ako.. mejo lang hehehe… after 5 minutes may ngtxt, si Mr. HipHop….to be continued…..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home